Hay Naku!
Sa itinagal-tagal ng panahon e ngayon ko lang na-update ang Blog kong wala namang kapararakan. A ewan basta salamat nalang ke BOB ONG at na-inspire akong mag-share ulit ng mga kung anu-anong ka-ek-ekang sa kabutihang palad e DI PARIN ALAM NG MAGULANG KO (nga ba?).
Ang daming CATEGORIES nito no? Ganyan talaga. Miss na miss ko nang magsulat este magtype. Matagal na kong di nakakapagtype ng fanfiction, aba e niliparan na ako papalayo ng mga ideyang dati-rati'y nandian lang sa tabi-tabi. Unahin na muna natin ang nangyayari sakin ngayon...
Nandito ako sa COMPASS INTERNET ng Robinsons Galleria. Nakakapagtaka para sa isang estudyanteng katulad ko na 7:00 AM to 4:00 PM ang klase na mamataan dito. Siyempre, di parin ako nagbabago (wala kasi to sa New Year's Resolution ko) sa HOBBY ko na mag-CUTTING CLASSES. Kung dati'y dun lang ako sa UP Diliman Shopping Center, e ngayon nakalayu-layo na ako. (ASENSO!)
Ang mahal ng one-hour net fee kumpara sa ibinabayad ko sa Net Coop. Bente lang don. Dito e 50.00 na tumataginting sa isang oras. Kasi naman dito ko pa naisip mag-net no, ang layo! Ngapala ang unang dahilan kung bat ko naisipang FINALLY mag-cut ng class sa MALL ay dahil lang sa CRAVING ko sa SUSHI. Di ko kasi gaanong trip ang Japanese Chibog dun sa SC kaya naman dinayo ko ang Tokyo DOS ng Rob para lang dito. (One way ride kasing mabilis papunta sa mall na to at pauwi sa bahay kaya dito ako no)
Hayan. Napunta narin naman tayo sa usapin ng pagkain e mamaya na muna ang tungkol sa libro. Kumain ako ngayon sa Greenwich, lasagna lang at manok pati yung garlic stix. Tapos Coke Light. Dagdagan mo pa ng SURVEY FORM (ngek chibog ba yon?!). Namataan ko ang BEST SELLERS (bookstore na affiliated yata sa NBS). Ayos! Magawa ngang library ito!
Di nagtagal napadpad ako sa comics section, sa teen books, sa references, magazines, paperbacks, fiction pati sa section tungkol sa RELATIONSHIPS! (Nyaaay) Anyway, nakapagbasa din ako ng MAKING OUT books in Japanese, Korean, Chinese and Filipino. Grabe kakatawa! Me CURSES AND INSULTS section kasi. Sayang di ko natandaan yung mura ng intsik at hapon at koreano. Dibale, bibili ako nun.
Dalawang palapag yon. Umakyat ako at puro noypi books naman. Dun ko na nakasagupa ang mga kamangha-manghang libro ni BOB ONG na sobrang ENLIGHTENING. Napabili tuloy ako. Hahaha. Akala ko katapusan ko na at wala na kong pang meryenda. Di pa pala.
Di kalayuan sa Best Sellers ay ang Starbucks. Ayos. Dito na ako magbabasa ng bagong librong nabili ko. Umorder ako ng Frappuccino tapos dali-dali kong binuksan yung package at presto! Basa na ako. At ano pa nga bang aasahan mo edi tawa ako nang tawa (di naman kalakasan) na sa puntong LITERAL na nasamid ako.
Sa inihaba ng post ko ngayon, oras na para manood ng kahit ano sa crunchyroll veoh o sa naunang youtube. Bahala na. Adieu!
0 comments:
Post a Comment