Friday, December 4, 2009

New Friendster

Matagal-tagal na nung huli kong gamitin ang browser para gumawa ng blog post. At dahil kawawa naman ang page na ito e naisip ko namang lagyan ng December entry para makumpleto ko lahat ng buwan sa 2009 (first time yata to sa blog na may isang taon na kumpleto lahat ng buwan). Hindi ako makatulog kaya binuksan ko ang Facebook at doon ko nabalitaan ang bagong look ng Friendster. Kaya naman naintriga ako at ayan, naging berde na nga ang dating gray na smiley logo at nag-iba na ang smiley. Parang cursive na ewan na sa unang tingin ay akala ko neon sign ng kung anong establishment (parang ganun kasi yung wiring na umiilaw na yun compared sa logong bago). Sinubukan kong hanapin ang ilang features na dati madalas kong makita. Aba, wala na ang sangkatutak na orange alerts. Nalipat na sa left pane, at black na ang font. Medyo civilized na kung tutuusin. Hindi na mukhang spam generator. Magkaganoon man, ayaw ko pa rin sa bagong layout. Ewan ko ba pero parang allergic na ko sa Friendster.

Sunod kong inopen ang inbox kong naguumapaw na sa spam messages gaya ng "Join *insert artistic FS name here* in Ego Love Lounge", etc. na katumbas ng notification sa Facebook. Yun nga lang, sa Friendster kasi naiibak lahat sa inbox mo kaya yung sakin 450+ unread. Hirap hanapin isa-isa kung ano ang hindi spam, kaya mark all as spam nalang: in hopes na hindi na ko mapapadalhan ng ganung messages (buti nalang matagal ko nang inalis yung e-mail notification ko dito). Pagkalipas ng ilang minuto, wala na ang numero sa tabi ng Messages link ko. Haay salamat. Nakakairita kasi sakin pag me mga numero sa tabi ng menu o anu pa man.

Kaya naman hindi ko pa ma-delete itong account ko ay dahil sa dalawang dahilan: una, nandito ang blog kong mahaba at original kaya sayang naman; at pangalawa, may mga kaibigan pa akong kilala ko talaga na hindi pa gumagawa ng Facebook. Pero okay na rin na hindi pa to nadedelete kasi makikita ko pa ang mga pakulo ng Friendster habang lalo syang nalalaos. Ayos na entertainment na rin kahit pano.

0 comments:

Post a Comment