Saturday, February 27, 2010

Clean Slate?

Kung babalikan ko ang mga naganap sa buhay ko nung nakaraang apat na taon, masasabi kong malaki nga rin ang naging pagkukulang ko. Pwede ring ako rin pala ay may kailangang pagbayaran at “ganti” lang din ang mga naganap last year. Pero nang dahil sa pride ko, hindi ko pa rin matanggap na maaari ngang ang insecurities ko ang may kagagawan sa dinaranas kong kung ano man ito.

Maganda ang kahulugan ng idiom na may kinalaman sa title ng blog post kong ito. Clean slate. Start anew, walang prejudice, hindi na iisipin ang nakaraan. Kung gaano man kaganda ang intensyon mo ay ganoon din kahirap gawin iyon. Hindi rin madalian kung magkakalimutan man ang pag-uusapan, lalo na sa katulad kong matalas ang memorya para sa mga karumal-dumal na bagay.

Hyperbole na kung hyperbole, pero maaari kong i-classify na krimen ang mga naganap last year. Siguro kung ita-tally ko ang akin at ang kanya e mas madami ang sticks nung sakin. Kaya lang, pag naiisip ko naman yung sa kanya at lulutang ang pagkaparanoid ko e wala nang mararating ang mga guilt trip ko pag gabi. Bigla nanaman akong matutuliro sa kaiisip ng mga kung anu-anong mga bagay. Minsan nga hindi ko nalang iniintindi, pero pag nag-umpisa na yan, heto na at babalik ang nakaraan.

Iyon din kaya ang gumugulo sa kanya?

Hindi ko iniintindi kung ano kasi ang pakiramdam nya. Oo, inaamin kong insensitive ako at magaling din sa accusations. Hindi rin ako open sa mga saloobin ko kaya nakikimkim ang kung anong ideas pagkatapos e ipapakita ko nalang ang aking grudges. Tapos ito namang isa walang clue (o posible ring alam nya pero hindi niya dinederetso). Sa tingin ko naman dapat sa ngayon ay wala na rin kaming pag-aalinlangan sa isa’t-isa. Hindi magtatagal wala na kaming magagawa kundi unawain ang mga ka-weirdohan at tanggapin iyon nang maluwag.

Sana lang ganyan palagi ang naiisip ko. Pwede rin naman kasing hindi nalang talaga pansinin ang mga ganito’t-ganyan. Kaso, iba pa rin naman ang obvious at ang kakaibang kutob. Magulo lang talaga. Pwede ko ring sisihin ang kalagayan ko ngayon, pero hindi na pwede sigurong sisihin ang mood swings kasi lakpas na ko sa bahaging iyon. Siguro yung “hormonal” na lang, pasado pa. Dapat siguro pinag-iisipan ko talaga ang mga sinasabi ko. Kasi naman pag joke, minsan sabi ko “half-meant” or hindi ko nasasabi na “joke lang,”. Sana EWAN nalang ang sagot sa lahat ng tanong tapos bahala na kung totoo o hindi, with no hard feelings.

Kailan kaya ako makakapag-isip nang matino tungkol dito? Feeling ko kasi maiksing oras na lang ang natitira para sa conclusion.

0 comments:

Post a Comment