Kanina, matiwasay na natapos ang aming isinagawang pagtitipon ukol sa mga Gore Films—kabilang na dito ang Re-animator: Bride of Re-animator, Beyond Re-animator, at ang Hellraiser Series. Masaya naman kami kahit kakaunti lang talaga at hindi naman ganon kagulo. Kasi naman, expected rin naman ay tatlong tao lang. Buti nga at nakadalo nga si C. Kaya ayun, naging magulo lang nang kaunti ang pagtitipon. Nang malaman naming sa 2010 ay mayroong Re-animator Part 4 ay halos magtatalon kami sa tuwa. Nang dahil don, na-inspire na ipagpatuloy ang educational naming gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa muli ng isang Gore Marathon Part 4 sa pagtatapos ng bakasyon (extended kasi). Kaya ayan na nga at may bagong event nanaman sa Facebook kaming ginawa kanina lamang.
Maagang napa-uwi ng bahay ang mga kasama namin kaya as usual si Hani naman ang last man standing na kasama kong nanood hanggang part 4 lang ng Hellraiser. Medyo nakakabitin nga lang kasi hindi namin malaman kung papaano magsisimula ang part 5 sa ganung klase ng ending. Pero sige, binitin muna namin para rin next time mas maraming mapanood pa at hindi maubusan sa Gore Mara Part 4. Ang weird lang kasi na-hook ako kaagad sa Hellraiser samantalang hindi ko pinapansin ang ganoong uri ng pelikula noong araw. Parang naisip ko pa nga na, “Ano ba namang klaseng tao tong si B, ang hilig sa ganito…” pero di nagtagal ay eto ako at naghahangad pang makapanood nang mas marami.
Pero iyon nga lang, wala kaming gaanong mahikayat na makisama sa aming butihing gawain na ipamahagi ang ganda ng gore films sa kapwa namin estudyante o kaibigan. Medyo sensitibo kasi ang nilalaman ng mga pelikulang tulad ng Re-animator, at may pagka-porn at atheist ang dating nito sa karamihan. Napapaatras rin namin sila dahil ito nga ay gory—madugo, kadiri, eew, yuck, at kung anu-ano pa. Masasabing ang may matitibay lang na sikmura ang makakakain ng spaghetti o kaldereta pagkatapos ng ganitong pelikula (o habang ito ay pinanonood pa lamang).
Kanina, sopas na tinanggalan ng guts ang aming kinain. Hindi kasi ako palo sa ginawa ng nanay ko na may halong atay. Alam naman niyang ayaw ko kaya hiwalay ang kinain namin. Buti nalang at hindi niya itinuloy ang spaghetti at carbonara kahit alam niyang paborito ko iyon. Binalaan ko kasi na walang kakain non, sapagkat ganung klaseng pelikula nga ang pagpipistahan ng mga mata namin kinalaunan. Buti nalang at naniwala nga siya sa akin at hindi niya ipinilit ang gusto niya.
Kaya sa susunod na gore mara ay iniimbitahan ko ang karamihan sa mga inimbitang hindi nagsidalo upang makisali at masaksihan kung ano nga ba ang gore sa buhay ng tao (oo, alam kong wala talagang kinalaman pero trip ko lang talaga na sabihin yon). Join na!
0 comments:
Post a Comment