Thursday, November 27, 2008

Confessions ng Isang One-Sided Lover

Oo! Yun talaga yon! Yung tipong 5 years na di mo parin makalimutan yung pagkaadik mo sa kanya, yung tipong ninanakawan mo ng pictures dito sa friendster, yung tipong kinikilig ka parin kapag online siya (at wala ka rin namang balak siyang kausapin kasi nga parang nahihiya ka na ewan)...


Teka, baka ako lang naman yung ganto!


Sa dinami-dami ng taong kinahumalingan ko mula noong highschool, hindi talaga siya mabura sa isipan ko. Record-breaker siya. Pero sabagay, nauna nga pala siya kay Uchiha Sasuke na nagustuhan ko. Uy! May hint na!


Ang lupit nya. Sa bawat pag-save ko ng photos nya sa friendster, feeling ko ay mas adik na ko sa kanya. Grrr. Kung bakit ba kasi noon hindi ko to maamin na gustung-gusto ko siya. Sa huli, bibigay din pala ako. Ayan, hanggang ngayon... ADIK.


Kung bakit ba naman kasi ang cute-cute talaga niya... pag nakikita ko yung kakaibang mga mata nya (alam mo kasi, yun yung talagang una kong napansin sa kanya)... sobra. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Este, alam ko na pala--noon pa. Sinabi ko na 'to noon, at ngayon. Oo, adik parin ako sa'yo.


Hindi ko parin nakakalimutan yang mukha mo, yung mga ikinikilos mo noon (kasi nga, palagi akong nakatingin sa'yo. Nahalata mo na siguro? Kasi yung seatmate ko nabuko ako e. Obvious daw masyado.), yung mga lugar na madalas mong puntahan (hindi lahat!), yung pwesto mo sa canteen... BASTA. Yun na yon, at malinaw naman sigurong gusto talaga kita.


Naaalala ko parin yung araw na una mo kong kinausap. Yung panahong una rin tayong nag-YM (na di ko na inulit kasi todo-kaba ako pag ganon, muntik na nga akong mahimatay :P), nung inadd mo ako sa Friendster mo, nung una kong nakita yung mga pics mo, haaay. Sinave ko rin yung conversation a!


Kasi nga...


Adik parin ako sa'yo.


Diba?


Siyempre kaya ko to sinulat kasi di mo mababasa! Haha, sino nga naman kasi ako para tignan mo? Aminado ako, di ako ganon ka-cute talaga. Wala pa kong porma, tapos hindi ako pansinin. Siguro, nakilala mo lang ako dahil kilala ako ng teachers. O kaya dahil nagtop ako sa isang quiz o exam (totoo yan! Haha, mas malupit ako noong high school! Hahaha!!). Pero, hindi mo naman ako talaga pinapansin. Kaya ang kawawang ako, hanggang patay na patay na tingin lang (panakaw pa yan ha!).


Minsan, excuse ko na titingnan ko si Mama Mary sa altar ng classroom sa gilid, pero ang totoo sa'yo ang tingin ko. Kung sa lahat ng kakilala ko, ikaw siguro ang marerecognize ko kagad ang mukha. Kahit kasi di na tayo magkaklase, sinisilayan parin kita. Nung isang beses, class picture niyo non. Talagang naaliw akong panuorin yung klase nyo. Andun ka kasi.


May isang beses pa nga na aksidenteng nakasalubong kita (nag-iisa ka nun, ewan ko kung bat nasa may library ka) kasama ng barkada ko. Di ako gaanong umimik, nililihim ko kasi kina Marvin, Ronnel at Corro yon noon (pati nga kay Carlos pero napaamin nya ko e). Tapos nung intrams, pinanood ko yung laban niyo ng St. Agustine. Muntik na kong mabuking don! Haha.


Pero nung 4th year, lakas ko. Aminadong-aminado na kong gusto kita. As in ang dami ko nang napagsabihan (sabagay, malaki naman yung barkada ko noon at kaibigan ko halos lahat sa klase). Tapos, kinukuha nila atensyon ko pag dadaan ka sa may classroom namin. Varsity ka na ata nun e. Haha. Pati number nung jersey ng bag mo alam ko. Siyempre, no.


Bakit ko ba to kailangang sabihin? Wala lang. Kasi nga, nililihim ko to e. Pero sigurado akong may hint ka naman kahit papano. Alam mo naman sigurong tinitingnan kita. Alam mo rin na ako yon. Wala ka lang sinabi, siyempre naman!


Mabasa mo man to o hindi, itong post na hindi ko talaga sinadyang isulat para umamin sa'yo, o kung mabasa man to ng isa kong friend na kilala ka na hindi alam na ayun... basta. Ang mahalaga ay alam ko ito.


Gusto parin kita.


Pero wag kang mag-alala, hindi naman ako yung super stalker no. Hindi na rin naman kita natitingnan ng personal mula nung graduation.


Okay na ko... kahit sa pictures lang.



^_^

0 comments:

Post a Comment