Friday, April 10, 2009

Ang Parusa ng MASA…

Ngayon, nagkukwentuhan kami ni JM tungkol sa mga weird naming panaginip na hindi namin inaasahan. Yung sa kanya, talagang masakit sa damdamin at gustung-gusto ko sana siyang tulungan. Pero wala rin akong magawa, kaya kinuwento ko rin yung sakin, medyo weird pero normal lang din naman kung tutuusin.

Ang hindi namin matanggap sa mga panaginip namin kagabi ay ang realidad na pag nangyari nga ito ay wala na kaming kawala. Masasaktan at masasaktan kami nang hindi namin inaasahan. Yung sa akin, ayos parin pero hindi naman kasi ako sigurado sa mangyayari, at saka parang masagwa rin naman yung nangyari. Kay JM naman, hindi naman siya karapat-dapat na masaktan nang ganoon, di siya deserving.

Bigla tuloy namin naisip na kasalanan namin kagabi kasi yung quiz app sa FB na Sinong Pinoy Papansin Personality Ka? e ang resulta ni JM si Dean Madame Auring ng MASA. Baka ika namin e pinaparusahan kami ng butihing dean namin. Hala. Pinagkatuwaan kasi namin kagabi eh. Sorry po Dean Madame! Madame Dean! Sorry sorry sorry…

 

0 comments:

Post a Comment