Windang
Ito ang nararamdaman ko ngayon. Ala-una pasado na't gising pa ako. Alam kong may nararamdaman akong masama sa katawan ko, at ubo pa ko nang ubo.
At eto na nga't sinasayang ko ang oras na dapat ay tulog na ako sa pag-aanalisa kung paano mapapabilis tong bwisit kong Desktop PC. Kung hindi lang siya sentimental e pinaghahampas ko na siguro to ng dos por dos kanina pa...
Naaalala ko noong high school, madalas ito bukas ng gantong oras. Dami kong kachat--sino pa ba edi yung mga nakasama ko rin buong maghapon, yung mga kaklase ko rin. Hindi na kami nagkakasawaan. Biruin mo, sila na kasama mo sa room ng 8 hours, tapos sila rin katext mo pag-uwi at ang mabigat don e kachat mo pa sila hanggang oras nanaman para pumasok? Sobra. At mga mukhang bangag kami pagdating ng classroom.
Anyways, may hinihintay akong importanteng bagay ngayon. At hindi siya biro.
Dapat sana kanina pa siya dumating e. Naiwan pa sa Mega. Haayz. Ito ang sulat ko para sa kanya:
Dear Hazel-PC-Reborn,
Di ko kayang mabuhay nang wala ka. Hindi ko kayang isiping mawawaglit ka ng isang segundo sa tabi ko. Hindi ko rin kaya na wala ang screen mo sa bedside ko. Namimiss ko ang iyong init... ang mistulang heater ko sa malalamig kong gabi... Ang halos magoverheat mong katawan... (hehe labo!)
Nang iniwan mo ko ng 3 beses, akala ko tuluyan ka nang mang-iiwan. Di pa pala, at heto ka't sinira ko nanaman... I'm so sorry... :( Hindi na kita iinstallan ng mga kung anu-ano basta-basta... Ichecheck ko na rin ang updates mo palagi. Hindi ko na sasagarin ang volume mo. Hindi na rin ako magiinstall ng free antivirus. Sana mapatawad mo ako... *cries*
I MISS YOU, Hazel-PC-Reborn!! waah!
Love,
Hazel
Awat na nga. Mukha na kong tanga. Kulang lang ata talaga ako sa tulog.
Sunday, March 22, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment