Title ito ng isang Korean Film. Hehe, di naman ito ang ikukwento ko dahil di ko pinanood at wala akong balak na panoorin ang film na ito. Action kasi masyado. Anyway, napakarami raw BITTTER ngayong Valentine’s Day. Sinu-sino ba tong mga to? Karamihan kaklase at mga dating kaklase ko. Dateless. Hehe. Isa ako dun, so bitter din ba ako? Hmn. Bitter? Bittersweet? Hehe. Parang Meiji Black o any other dark choco. Di ko maexplain. Oh, san ka pa?
Basta, sarap ng tulog ko buong araw. Okay na ring walang date sa hapon o umaga o gabi ng V-day, kaninang madaling araw kasi natapos yung akin. Haha, weird. Oh well, di naman kasi kami nagcecelebrate nyan. Siguro last yata na saktong V-day ang date e nung freshie pa ko or nung 4th year high school…? Ewan ko rin e. :) Di na rin uso ang blue roses, nagpapakapraktikal na ang mga tao. Hehe. Me bago kasing pinagkakagastusan. Tsaka ngayon, di rin naman ako kasama nya. Ay, eto ba yung bitter part? Tatawa nalang ako. Niyaya naman ako, pero alam nyang di ako sasama and papayagan. Psh. Obvious ba? Hehe, defensive?
Haay, sabihin man nilang Valentine’s date ni ano ako kahapon e di naman totoo yon. Nagkataon lang na naghaharutan kami at magkasamang kumakain ng lunch. Okay, so yung lunch part e planado nga. Salitan kami eh. :) Ang nararamdaman ko dun?
A bit bitter. Pero nung nareceive ko ung “concerned” nyang text kaninang madaling araw, natuwa naman ako dun. Natouch ba. It was rather sweet, kahit di mo aminin.
0 comments:
Post a Comment