Saturday, February 14, 2009

Nakaw-tingin

May cute guy sa may gilid mo. Katabi mo ang boyfriend mo. Di naman halatang tinitingnan mo sya. Pa-glance glance lang ba. Aba, tumingin din sayo. Okay. Para bang may instant attraction. Cute ka rin naman. Cute din siya. Yung type mo talaga. Instantaneous na ito. Lingon na kayo nang lingon sa isa’t-isa. Kala mo ikaw lang yung napapalingon. Di pala. Nahuli mo siya. Nakatitig rin sayo. E nandon nga yung boyfriend mo. Ano, maguguilty ka ba?

Minsan ang feeling mo, sayang. Panghihinayang. Ay, iisipin mo pa: “Kung single kaya ako ngayon, makakausap ko kaya tong guy na to?” or “Hihingin kaya nya ang number ko pag di nya alam na may boyfriend na ko?”. Yung tipong ganun. Nakakahiya mang isipin, nagkukrus yan sa lahat siguro ng may relationship. Aminado ako dun, guilty rin naman ako sa ganun. Kaya nga minsan napapabuntung-hininga nalang ako. Wala nang magagawa kasi iyon ang pinili ko.

E pano kung iba naman ang scenario: si one true first love mo ang lumapit sayo. Like ka rin daw nya. E you’re not single anymore. Pano na?

Malabo naman siguro yun no. :) Suntok sa buwan, ika nga.

0 comments:

Post a Comment