Grabe. Ganto pala yung feeling nang sobrang pagod. Biruin mo kulangin ka sa tulog, tapos kulitin ka ng isang kaklase at pahabulin ka sa AS walk, mapagod ka pa sa kung anong activity sa kung anong lugar after, pumila ka ng mahigit dalawang oras para sa isang event, at siyempre yung umuwi ng madaling araw. Wala ka nang matinu-tinong maisip. Pero, nakakapag-blog parin nman ako.
Gulo ng araw ko, sobra. Ubos energy ko at ng mobile phone ko. Yung isa kong friend nagback-out na. Tagal ng pila. Walang kwenta ang organizer ng event. Di maayos ang entrance sa event. Tapos sa event naman madaming JJ’s, tas nagbabatuhan ng bote na may laman, condom na hinipan at mga feeling cute at pacute na di naman cute. Bahala nga sila. Tas muntik pa palang itigil ung event dahil me mga naninira na nung fence. Bale yung countdown at yung fireworks plus ung ilang bands nalang ang okay dun. Kaasar, na-miss ko yung first four bands dahil sa haba ng pilang hindi organized.
Pagod na pagod na ako. Itutulog ko nalang siguro ang weekends ko. Tapos sa Monday, study visit aka field trip to the House of Representatives. Yay. Yun na nga lang mag-eenergize sakin. :) Next week, exam and reports week na. Wahu. Wala pa kaming nasisimulan (108, 121, 141 at 151).
Ay, belated Happy Friday the 13th ngapala sa lahat, and of course Happy V-day rin. :)
0 comments:
Post a Comment