Saturday, February 14, 2009

Mahirap Nang Maniwala

Minsan napapaisip ako sa mga taong sabi nang sabi na ganto, ganyan. Kasi masyadong inuunahan ka, tapos assertive masyado. Yung parang ipinipilit nyang isipin mong ganun siya kabuti at wala kang dapat ikabahala. Alam mo yun, yung sobrang assurance kasi minsan nakakaduda talaga at nakakatakot. Kasi parang nagiging defensive yung tao ang dating para sakin. Kunyari diba iiinsist mong di ka guilty kahit guilty ka nga, tapos pag wala naman talagang direct na tanong sayo tungkol sa posible mong gawin, bigla kang magsasalita na “Hindi ko gagawin yon” o “Hindi ko ginawa yon”. Diba? Talagang parang obvious na guilty at naghuhugas-kamay. Hehe.

Pero kung hindi man lahat ng instances ay ganon, e siguro me gusto lang makuha. Basta. Napakacomplicated ng mga tao at hindi tao para paniwalaan mo kagad. Kasi, mahirap na baka sa huli, alam mo naman talagang malakas ang gut feeling at instincts mo pero di ka naniwala—magsisi ka pa. Kaya dapat lang na wag magcommit masyado. Malay mo yung nagsasabi sayong committed na sila e di naman pala totoo. Sayang lang ang pagod mo.

Kung ako sayo, wag ka nalang masyadong maging defensive. Magreresulta lang kasi sa resurgence ng doubt yun e. Para ka kasing guilty at nanghihingi palagi ng assurance. Bakit, wala kang tiwala? Kasi kung wala naman, baka dapat kasi di ka rin pagkatiwalaan. Advice ko lang yun bilang friend. Wag pahalata, okay? Cheers.

0 comments:

Post a Comment