Wednesday, January 14, 2009

Brink

Random word for another post. Ginaganahan siguro akong magsulat, este magtype. Too bad wala nanaman akong load. Bwisit na Unli, ang bilis matapos. Grr.


At true, nasa kalingkingan na ako ng pagiging forced drop o singko sa dalawa kong subjects. Namely PA 113 and PA 151. Mahirap pumasok talaga kung ayaw mo ang paligid. Hindi naman sa inaalipusta ko ang dear classmates ko, wala lang. Tensionado kasi ako sa room, pano wala akong readings at hindi ako nagbasa. Matawag ka ba naman at walang mairecite. Iiwas nalang ako. Solusyon? Absences! Hehe.


Napagsasabihan na nga ako e. Biruin mo bibingo na ko. Haay oo nga pala. May sumpa ako na kada sem, me dalawa akong subject na manganganib. Nung first sem, first year, Math yun at English 11. Nung second sem, first year, Chem naman at Math ulet. Nung first sem, second year, Soc Sci 1 at Kom 1. Nung second sem, second year, yung Accounting 1 at Econ 11. Finally nung first sem, third year, yung Env Sci 1 at Pol Sc 11. Sa lahat ng yan, last sem lang isa ang talagang bumagsak—4.0. E ngayon kaya?


Nakikinita ko nang ang 2 subjects ko na nanganganib ay yang nabanggit ko. :| grim line. Hehe. Oh well, ganyan talaga. Life has ups, and downs. ^_^ smile nalang. Carry pa yan.

0 comments:

Post a Comment