So… nagcut nga ako kanina (part two ba ito?) at pumasok din naman ako sa 10 am class ko. Ayoko naman kasing ma-miss ang quiz—nahulaan este nasense ko na meron nga (at tama ako :D). Ayun, bagsak sa 108 pero 7 out of 10 naman sa 141. Ewan ko ba kung bat mas naaalala ko ang lessons sa Public Policy kaysa sa Philippine Administrative System.
Natapos ang 141 at sa amin na nga yung topic about Policy Evaluation (tama ba). Tas nun sabi ko desidido na kong pumasok sa 113. Okay. So baba kami. Sarado lib. Nagdadalawang-isip ako. Tas nagpapalibre siya. Sabi ko, “Diba dapat ikaw na manlibre? Tapos na kaya ako…”. Hinila nya yung bag ko at papunta na pala kaming Cafeteria.
Sabi nya, “Ngayon lang to kaya pumili ka na”. Sa isip ko, “Jackpot! Today is my lucky day!” at nakita ko ang spaghetti. “Yay spaghetti!” sinabi ko. Tas sabi nya, “Sige kumuha ka na. Pero sayang sa Sushi bar sana kita ililibre.”, “Okay lang, at least napamura ka pa,” “Sabagay,” Tapos nang nakuha ko na kumain kami at nagkwentuhan. Nauna nyang matapos yung siomai nya at ang bagal ko raw kumain. Tas kwento pa kwento hanggang sa naka dalawang Coke Zero na sya. Hinintay nya ko. Sabi ko, “Parang ayoko nang pumasok sa 113…”. Tumawa siya. “Yes!” sabi nya na parang nag-iinis. Successful siya sa goal nyang pag-cuttingin ako.
Bumalik kami sa lib. Napansin ko nakakalat pa mga classmates ko. Yung isa paalis, tinanong ko. “Isinet-up na yung room pero wala pa si Sir e, teka tatanungin ko dun.”. Di na siya bumalik. Nagkwentuhan muna kami. “Kala ko may pasok ka?” “Di na, pupunta nalang ako sa Malcolm hall.” Si Karl nagpakita. Nung papasok si Karl sa lib, sabi nya, “Kayo na ba?”. Feeling ko nagblush talaga ako dun… sabi ko nalang, “Ha?”. Tas nangiti si Karl, “Wala. Sige!” tas kumaway na rin ako. Tinanong ko siya. “Ano raw yon?” “Nagtaka siya kung bakit nandito pa ako.” sagot niya. Inisip ko, narining din niya kaya yung ispekulasyon ni Karl? Inignore lang namin, tas kwentuhan kami sa number of absences ko. “Apat na yun” binilang niya kung ilang beses na kaming nagkasama. “E pano yung di kita kasama?” tas napaisip kami.
“Wag ka na kasing pumasok, wala na yan.” “Teka! Tinatanong pa nya!” tinuro ko yung kaklase ko sa loob ng lib na kausap ung bantay. Tapos me umeskapo na yung si Ameng. “Ay kilala ko yun, kaklase natin sa 121.” “Pag may umalis pa, aalis na rin ako.” “Mauna ka na,” “Ayoko nga, gusto ko second ako.” Lumabas din yung kaklase ko at tipong paalis na. “Sige na nga, tara.” At sabay na kaming lumabas sa NCPAG.
“San tayo dadaan? Diba malayo yun?” tanong ko. “May alam akong shortcut.” sagot nya “Dadaan tayo sa may burol.” “Burol?” napatanong ulit ako. Tapos tumawid kami. Pinahinto na pala nya yung sasakyan e ang bagal kong tumawid. Natawa lang siya. Lakad kami. Kwento. Mabagal ako pero hinihintay naman niya akong makahabol. Picture ako ng picture. Me panaka-nakang reklamo, hanggang sa narating namin yung papunta nang Engg. Kwento. Jay Chou. Napatili ako. Nagulat siya. Tanong. Kwento…
Dumating na kami sa Malcolm. Maraming tao. Kaso nakaout sa shelf yung mga gusto naming libro. Tas napadaan na kami sa may Sunken. “Di pa ko nakakaapak dito,” Natawa siya. “Sige itutulak kita para makababa ka.” Napatawa nalang ako. “Ayoko nga.” Tapos, naglakad ako sa bagong bricked road sa gilid ng Sunken. Dun na siya malapit don sa babaan. “Halika na dito.” Edi lumapit na nga ako. Di ako lumakad sa may path. “Dito ka kasi, mas malalaglag ka diyan.” Bumaba ako. Tapos hinila niya ko. Naghilahan kami. Tawa. “Hay naku,” “Diba sabi ko di na kita itutulak, pero di ko sinabing di kita pwedeng hilahin.” “Nge” “Ako naman una mong madadaganan e, pero kung mainis ako ipapagulong kita.” Loko talaga siya. At bumaba na kami sa may hagdan.
“Yay!” Tuwang-tuwa ako. First time. Tapos sabi nya, “Ang daming tao sa tinatambayan ko.” “Saan?” Tinuro nya yung gilid sa tapat ng Educ. “Ay oo nga,” “Pero maganda dun.” “Talaga?” Di namin namalayan, nandun na kami. Umupo siya sa ugat ng isang puno dun. Nakatayo ako sa tabi niya. Umurong siya, tumabi na ako sa inuupuan niya. Kwento ulit. May iniisip pa kaming plano. Minsan pupunta kaming Trinoma, haha. Hanggang sa umambon na at 2:30 na. “Text mo nalang ako kung ano yung title nun.” Di ko kasi maalalang Basilisk lang pala yon. “Okay, dito na rin ako sasakay sa may Psych” “Kala ko dun ka?” “Mas matagal mapuno dun e.” Naglakad kami hanggang shed. Naglakad na siya palayo nung nahatid na nya ko dun. “Sige.” Tapos dun din pala sa PHAN ang klase nya. Nasulyapan ko siyang bumalik nung papunta na kong AS.
Anyway, mahaba nanaman tong post ko tungkol sa araw ko. Haaay makatulog na nga lang. Kakapagod maglakad!
0 comments:
Post a Comment