Oo, inaamin kong inaabatan ko ang updates niya sa net. May pagka-semi-stalker niya ata ako. Net stalker lang naman (btw, hanggang Multiply account palang nya ang nahanap ko so far… so hindi rin siguro ako official stalker). Minsan napapaisip din ako kung bakit ko pa kelangang itago sa sarili ko na hinahanap-hanap pa rin kita. (yes naman, totoo yon!)
Mukha ka talagang kagalang-galang sa bago mong pics. Hehe. Ay, wala na halata na ko masyado. Bigla tuloy akong nag-alangan magpost nito, pero sorry Zel, adik ka sa kapopost ng January. Kakabagung-taon kasi e nagpost kaya tuluy-tuloy na yan. Ika nga, no stopping the action. Whatever.
Basta, good luck sa buhay mo, sa career mo, sa love life… na wala naman akong clue kung meron. I know you’ll make it through everything. Magaling ka eh. Siyempre, kaya nga gusto kita… noon. :) I’m saying these finally kasi I’m also saying goodbye to my interest of you for good (or worse?). Thanks sa inspiration nung last year. I enjoyed your company and all that… basta ingat ka palagi. Okay. Hehe.
This is what you call a net love letter. Makakarating to, panigurado. >_
0 comments:
Post a Comment