Friday, January 16, 2009

Cheese Stick

Kung di ba naman kinulit niya ako e di ako manlilibre. Oo. Kuripot na kung kuripot. At dito nga nag-umpisa ang Cheese Stick adventure namin kanina. Mainit ang araw sa paligid namin, at mainit din ang kalan ni Ate. Nakatambay kami sa harap ng stall na may payong na Technicolor. Makailangbeses akong napaso sa dila ng kesong tunaw. Sabi nga nya, kahit anong ihip ko sa lumpia wrapper e di lalamig yung nasa loob.

Round two ng cheese sticks, di ko na siya nilibre. Bumili rin kami ng plus pagkatapos. Tambay naman sa me puno. Tapos naghintay kami ng Katipunan. Ang tagal dumating ng jeep! Di rin pala dahil matagal. Walang space. Haha. Mga tatlo siguro yung nakaraan na di namin nasakyan. E ang ratio ng Katipunan jeep sa Ikot e 1:6. Tagal rin pala naming nagkwentuhan.

Sa susunod, ililibre kaya naman niya ako? Sana naman no! Pay back, hehe.

0 comments:

Post a Comment