Thursday, January 15, 2009

SHABUTARO? Again!

Tungkol nanaman sa saksakan ng harot na aso ang post na to. Kanina lang pinagtitripan ko siya. Tinatawag ko na iba ang tono ng boses ko. Tapos, ipipinid nya yung ulo nya sa kaliwa tas sa kanan. Kulit! Ang cute naman ng look nya. Hehe. Nakakaaliw na rin. Okay nang pantanggal ng bad mood ko ngayong gabi. :P


Tapos nun, nilabas ko si Butchik. Si Butchik yung isa sa mga pinakauna kong stuff toy. Aso siya na color brown at ang isa nyang tenga (yung kanan) e kinagat na nung isang aso ko nung gradeschool. Patawa nga yung mata ni Butchik, di rin pantay. Tapos idagdag mo pa yung pilas na tenga nya. Edi mas kinaiinisan siguro siya ni Shabutaro. Siguro iniisip nya to: “Pangit naman ng asong to!” hehe, as if super cute naman nya no?


Ako lang naman nagiisip non. Anyway, balik sa kwento. Yun na nga nilabas ko si Butchik. Tapos sinunggaban ni Shabutaro yung kanang rear paw! Hala, sige struggle siya pataas. Pilit nyang inaabot si Butchik. Ililipat ko ngayon, hahabulin nya parin! Wala siyang tigil. Hanggang sa napagod na siguro. Sumuko. Hehe. Uminom ng tubig. Ayan. Game over ba, Shabu-chan? Hehe. Talo ka kay Butchik. Belat.

0 comments:

Post a Comment