Thursday, January 15, 2009

SkyDrive

Iniisip ko kung tama bang ilagay ko ang music files ko sa web. Hmn. Lately kasi yung mga tao sa paligid ko navirus ang mga PC. Natakot tuloy ako bigla. Haha.


Dahil madalas naman na akong gumamit ng Windows Live stuff, naisip kong baka nga kailangan kong subukan yung SkyDrive nila. Pwedeng magupload dun hanggang 25 GB. Astig. Parang isang Blu-ray disc lang a. Haha. Kaso nga lang, gaano katagal? Kanina pa ko pero 5MB palang ang nauupload. Haay oo, tagal talaga.


Sana naman maayos yung file save nila tsaka madaling maaccess. Tapos, sana wala ring limitations sa time kung kelan mo siya tatanggalin—as in forever na dapat diyan yan (sana parang yung blog ko rin ganun).


Kakain muna ko ng Coleslaw. :D

0 comments:

Post a Comment