Friday, January 23, 2009

REKLAMO

Napakainit. At pagkarating ko nga ng bahay e eto kagad ang inatupag ko—walang iba kundi si Hazel-PC-reborn. Magkagayunman, kailangan ko ring mag-aral kasi sa Monday na ang 151 exams. Lintik na 121 yan, ang daming readings! 410 ang inabot ng bayarin ko? What the… e madaya pa yung taga-Xerox. Biruin mo, isama ba naman pati yung TITLE PAGE ng libro e inindicate mo na nga na first chapter ang simula? Diba’t purong kadayaan yon? Nadagdagan tuloy ang badtrip ko.

Anyway, umalis muna tayo sa usaping nakakainis. Basta ang alam ko ang init init na as in summer na ba? Pero ayoko nito. Mas gusto ko na yung malamig na pinuputakte ako ng allergies ko kesa naman sa mainit at tumatagaktak ang pawis ko! Hmp. Puro reklamo ako ngayon kasi sumosobra na ang mga nakakainis na bagay sa paligid ko. Siguro pagkatapos ng 27 okay nanaman ang mood ko. Sana nga tapos na yung exam at presto, back to worry-free life ulit ako.

Basta sa Friday next week hindi ako uuwi ng bahay. May pupuntahan ako tsaka siya. Basta malayo. Malayung-malayo. Hehe.

0 comments:

Post a Comment