Hmn. Siyempre alam mo na kung bakit me post ako e ang aga-aga.
Ayan. Kanina mga 7:35, nakasakay ako kagad ng jeep na Marikina. Tapos pagliko plng nun after Jenny's e traffic nang malala. Tinulugan ko nalang yon.
Nagising ako 1 hour after. Syet. 8:30 na! Late na ko. Hmn. Ayos nga lang pala. May balak nga rin pala akong mag-cut kasi di ko nagawa yung assignment. Easy lang. Tulog ulet. After 10 minutes, nasa kabilang side na kami ng Ligaya. Okay. Baba. Sakay ng next jeep. Baba sa Petron. Sakay ng Katipunan. Asar, loko talaga yung mga nangongolekta ng pamasahe don. FYI, mga manong, 7.50 po ang pamasahe. 7.50!! Ang daya-daya niyo. Palaging kulang ng .50 cents ang sukli nyo. Hmp. Kakarmahin din kayo.
Anyway, baba ako ng SC tas diretso sa bago kong paboritong Net Shop. Haha internet ng internet e sa bahay meron na ngang nonstop internet. Adik na ko. O sige na. Tas YM ako. Dalawa lang OL! Anu ba yan! Lahat sila... I'm mobile (with matching picture ng mobile phone/drawing sa kaliwang side nyan bago yung word na "I'm"). Hay naku. Buti nalang pwede ring kausapin yung isa sa dadalawang ol sa list ko.
May 394 messages daw akong di nabuksan sa Yahoo! Mail ng kenchan. Sige na nga, mabuksan na. Tutal, select all at "k" lang naman ang pipindutin ko. Read all. Pero ang katotohanan ay puro spam lang yun ng horoscopes. Accumulated. Aba't me dog horoscope, love... etc. Kelan ba ko nagsubscribe don? Ok na nga rin. At least me ngsesend parin sa mail ko at activated parin kahit di ko ginagamit.
Haha nice talaga tong shop na to, me MSN sila na messenger. Yaaay. :)
0 comments:
Post a Comment