Thursday, January 22, 2009

Trinoma

TriNoma, TriNoMa, o anu pa man ang tamang pag caps sa mga letra nyan, e alam naman ng lahat na isa itong mall sa QC at katapat ng SM North. Sa tinagal-tagal ko sa campus ng Diliman e ngayon ko lang yan na-explore. Nung huli ko ngang punta e napilitan lang ako. Ang lapit lang nya mula sa NCPAG, one ride pa! 15 minutes and you’re there. Naisip ko tuloy, maganda nga kung dito na kami magpunta palagi (kahit siya ay mapapalayo). Maaliwalas din naman, except pag patak ng 5 pm. Massive na ang crowd.

Naligayahan naman ako dun. Hala. Pleasure ba direct translation nyan? Anyway, wag na nga nating pakialaman ang tamang pagtawag sa kung ano. Pero wag na rin namang bigyan ng ibang definition. Basta. Yun nalang yon, let it be. Teka, ano ang iniimply ko dun? Wag na rin! Hmn.

So naguguluhan nga pala ako sa nararamdaman ko. Ay siya, yun nga ang gusto kong i-discuss dito, at hindi ang mall o grammar o lexicon man yan. Built-up stories? Marami-rami na ko nyan. Pero sa gumagawa rin non siyempre ang balik non. Haha. Pakialam ko kung tama o mali ang sasabihin ko at malalaman niya? Inisip din ba niya ako?

Enough na nga. Basta. Mahirap na ring magsalita e.

0 comments:

Post a Comment