Oo! Yun talaga yon! Yung tipong 5 years na di mo parin makalimutan yung pagkaadik mo sa kanya, yung tipong ninanakawan mo ng pictures dito sa friendster, yung tipong kinikilig ka parin kapag online siya (at wala ka rin namang balak siyang kausapin kasi nga parang nahihiya ka na ewan)...Teka, baka ako lang naman yung ganto!Sa dinami-dami ng taong kinahumalingan ko mula noong highschool, hindi talaga siya mabura sa isipan ko. Record-breaker siya. Pero sabagay, nauna nga pala siya kay Uchiha Sasuke na nagustuhan ko. Uy! May hint na!Ang lupit nya....