Gusto ko mang malaman kung bakit pasulpot-sulpot siya e di ko magawa. Palagi nalang akong pinahihirapan nito. Hindi siya mawala-wala kung kailan ko gusto. At kung hindi ko rin siya kailangan (dahil hindi ko naman siya kakailanganin) e nandidiyan lang siya at nakakapit… sa balat ko. Kainis. Kating-kati na ko. Gusto ko talagang kamutin. Tiningnan ko na ang mahiwagang lalagyan ng abubot pero nang buksan ko ang takip ng bilugang container ay simot na simot na ang laman. Napabuntong-hininga nalang ako at kumamot ako muli. Ano ba kasi ang nangyari...